Surrender

PBA player na namaril sumuko Amoeres, kapatid sumuko na

Gil Aman Sep 26, 2024
69 Views

SUMUKO noong Myerkules ang player ng Global Port Batang Pier na si Jun Amores at kapatid niya matapos barilin ang nakaaway na basketball player sa Maytalang Uno, Lumban, Laguna.

Nakaligtas ang binaril ng suspek na si Lee Cacalda matapos magmintis ang pamamaril.

Ayon sa pulisya, nakatakdang sampahan ng kasong attempted murder si Amores.

Naganap dakong alas-6:10 ng gabi sa Brgy. Salac, Lumban, Laguna ang pamamaril.

Bago ang pamamaril, nagkaroon pa ang dalawa ng mainitang pagtatalo na humantong sa hamunan ng sustukan.

“Doon tayo magsuntukan,” ang sinabi ng suspek.

Sumakay ng motorsiklo ang biktima at sinundan ni Amores hanggang sa mamaril ng hindi mabatid na kalibre ng baril.

Walang nasaktan sa pamamaril.