Gonzales

PBBM binigyan-diin halaga ng UN General Assembly

189 Views

BINIGYANG DIIN ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng UN General Assembly.

Sinabi ni Marcos kay UN Resident Coordinator to the Philippines Gustavo Gonzalez ang kahalagahan na mayroong kumatawan sa Pilipinas sa gagawing pagpupulong kung saan inaasahang dadalo ang lider ng iba’t ibang bansa.

Isasagawa ang UN General Assembly sa Setyembre sa New York, USA.

Matapos ang pakikipagpulong kay Marcos, sinabi ni Gonzalez sa media na kanilang napag-usapan ang ginagawang paghahanda para sa naturang pagpupulong.

“It is an opportunity to discuss the impact of the Covid 19 on the education system,” sabi ni Gonzalez.

“This UN General Assembly meeting will be the first time that the President-elect Ferdinand Marcos Jr. will be in front of an important number of heads of state, so this is a great and I think a historic opportunity for the president and for the Philippines to share the new vision, the new challenges but at the same time the new opportunities,” dagdag pa ni Gonzalez.

Tatlong punto umano ang napag-usapan nina Marcos at Gonzalez– human rights, peace, at development.

“President Ferdinand Marcos Jr. confirmed his commitment, he even shared that he is conducting a number of consultations to ensure the best way of supporting the human rights, so this is quite encouraging as I’ve mentioned, we will reiterate the support of the United Nations (to human rights),” sabi pa ni Gonzalez.