PBBM binigyan na ng matamis na oo prangkisa ng LEYECO II

Chona Yu Aug 14, 2024
82 Views

BINIGAY na ng go signal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang prangkisa ng Leyte II Electric Cooperative (LEYECO II).

Ito ay para matiyak na sapat ang suplay ng kuryente sa Leyte.

Nakasaad sa Republic Act 12017 na bibigyan ng prangkisaa ang LEYECO II para masiguro na magiging maayos ang operasyon ng kooperatiba.

“The franchise allows them to construct, install, establish, operate, own, manage and maintain in the public interest and for commercial purposes, a distribution system for the conveyance of electric power to the end-users in the City of Tacloban and Municipalities of Babatngon and Palo, Province of Leyte,” saad ng batas.

Taong 2022 nang kilalanin ng National Electrification Administration (NEA) ang LEYECO II bilang isa sa mga most outstanding electric cooperatives sa bansa.

Binigyang pagkilala ang LEYECO II dahil sa “AAA” rating noong 2021.

Isa rin ang kooperatiba sa mga nag-aalok ng pinakamababang power rates sa rehiyon.