Bayani

PBBM buo ang suporta sa Bayani ng Pilipinas campaign

Chona Yu Aug 14, 2024
83 Views

BUO ang suporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa “Bayani ng Pilipinas” campaign na kumikilala sa mga magsasaka bilang bayani ng bansa.

Sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malakanyang, kinilala nito ang sakripisyo ng mga magsasaka para matiyak na may sapat na pagkain ang bansa.

“Yes, it’s hard (farming) but look what they, how , what they do. If, you know, if they didn’t farm, we wouldn’t have anything to eat,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nabatid na ang Bayani ng Pilipinas campaign ay inisyatibo ng PSAC para mabigyan ng magandang buhay ang mga magsasaka at mahikayat ang bagong henerasyon na pasukin ang pagsasaka.

Isa rin itong paraan para maging inspirasyon ang mga magsasaka.

Aabot sa P906 milyong ayuda na ang naibigay ni Pangulong Marcos sa mga magsasaka sa ibat ibang bahagi ng bansa na naapektuhan ng El Nino.