PBBM

PBBM, FL Liza Marcos magpa-Pasko sa Malakanyang, Ilocos Norte

Chona Yu Dec 19, 2024
13 Views

SA Palasyo ng Malakanyang, Ilocos Norte at sa Baguio City magdiriwang ng Pasko si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa ambush interview sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na kasama niya sa Pasko si First Lady Liza Marcos.

“Well, the only usual na ano namin — Christmas eve sa Malacañang, sa Palace. At siguro ang — on Christmas day aakyat ako ng north, go up north. Spend holiday, maybe up north, babalik ako ng Maynila,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Depende, very flexible naman ang schedule ko kasi hindi ko maaaring sabihin na hindi aalis. Aalis ako kasi there — you know, baka may mangyari, baka may — kailangan ako, whatever it is I’m always available. But siyempre lahat tayo we could use a little break. So, I will use the time… Ang dami kong libro na hindi pa nababasa. So, babasahin ko silang lahat pagka — habang bakasyon,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Aminado si Pangulong Marcos na nahihirapan na siyang hilain ang tatlong anak na sinaa Congressman Sandro Marcos, Simon at Vincent dahil sa marami na rin silang mga plano sa buhay.

“Lahat busy. Ito nga — ‘yung mga anak ko hindi — ang hirap nang hilain. Hindi sila — marami silang mga pinaplano but maybe the First Lady and I will spend a little quiet time,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nagbiro naman si Pangulong Marcos na hindi siya kasama sa milyung-milyong Filipino na magbabakasyon ngayong Pasko.

“I don’t have off days. Hindi ako kasama diyan. Hindi kami kasama sa bakasyon, sa holiday, sa weekend. Hindi kami kasama diyan. We’re always on call,” pahayag ni Pangulong Marcos.