Calendar
PBBM, Gabinete masusing pinag-aaralan 2025 nat’l budget
TINIYAK ng Palasyo ng Malakanyang na masusing pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng gabinete ang P6.352-trilyong 2025 national budget.
Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng panawagan ni Senador Migs Zubiri na tanggalin ang unconstitutional items sa budget.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, kahit na walang panawagan sa mambabatas, tinitiyak ni Pangulong Marcos na nakasusunod sa Konstitusyon ang budget.
“The President and the Cabinet are RIGHT NOW (with or without the calls) thoroughly reviewing the various items of the GAA to make them conform to the Constitution, and to see to it that the budget prioritizes the main legacy thrusts of the Administration,” pahayag ni Bersamin.
“The President has been most prudent in programming and spending of our limited fiscal resources,” dagdag ni Bersamin
Sa Disyembre 30 nakatakdang pirmahan ni Pangulong Marcos ang budget.
Kinuwestyun ang budget dahil sa tinapyas na P10 bilyong pondo ng Department of Education at ang kawala ng pondo para sa subsidiya sa Philippine Health Insurance System.