PBBM

PBBM ginawaran 10 natatanging indibidwal ng medallion of excellence

Chona Yu Oct 28, 2024
147 Views

SAMPUNG natatanging indibidwal ang ginawaran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng medallion of excellence.

Kabilang sa mga ginawaran ni Pangulong Marcos ang apat na guro, tatlong sundalo at tatlong pulis na kumakatawan sa motto ng Metrobank Foundation na ‘A Heart That Serves.’

“You are the new faces of public service —dedicated, selfless, and committed to excellence — the living examples of what it truly means to be a Bagong Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos sa awarding ceremony sa Palasyo ng Malakanyang.

“It is always a privilege to stand here and give credit to those who embody the finest qualities that we aspire for: patriotism, integrity, courage, and social responsibility,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Paalala ni Pangulong Marcos sa mga awardees, gamitin ang medallion bilang paalala sa mataas na pamantayan sa pagbibigay serbisyo publiko.

Kabilang sa mga ginawaran ni Pangulong Marcos sina Ma. Ella Fabella at Franco Rino Apoyon; professors Dr. Maria Regina Hechanova-Alampay at Dr. Decibel Faustino-Eslava.

Ginawaran din ng medallion sina Philippine Navy (PN) SSG Michael Rayanon; Philippine Army (PA) Major Ron Villarosa Jr.; PN Captain Salvador Sambalilo; Police Officers SSG Llena Sol-Josefa Jovita; Major Mark Ronan Balmaceda; at Lt.Col. Bryan Bernardino.

“These honors are a testament to the remarkable heights each of you has reached. Whether you are educating our young, defending our borders, or keeping our communities safe, you have gone beyond what is ordinary. And for that, you deserve nothing less than our highest admiration,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nakatangngap ang mga awardees ng tig P1 milyong cash prize, “The Flame” trophy, at Medallion of Excellence. Bibigyan naman ang mga non-winning finalists ng tig P50,000 cash incentive, at certificate of recognition.

Para naman sa non-winning semi-finalists ay binigyan ng tig P20,000 at certificate of recognition.