PBBM hiniling duty-free privileges sa PH products na pumapasok sa US

215 Views

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ipasok sa Generalized System of Preferences (GSP) program ang Pilipinas upang hindi patawan ng buwis ang mga produkto na ini-export nito sa Estados Unidos.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang panawagan sa kanyang talumpati sa US-ASEAN Business Council at US Chamber of Commerce roundtable and reception sa Blair House sa Washington.

Dumalo sa pagpupulong ang mga negosyanteng nakabase sa Amerika at ang mga Filipino business tycoon kasama sina Jaime Zobel de Ayala, Enrique Razon, Tessie Sy Coson at Kevin Tan.

Ayon sa Pangulo mahigit dalawang taon na mula ng magtapos ang GSP program at makatutulong umano ang pagbabalik nito sa pagpapalakas ng kalakalan sa dalawang bansa.

“We would like very much for the authorization to come about as this boost trade, and to make U.S. products that are made in the Philippines more competitive in the global market,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika ngayon ay mas matibay, at nalagpasan na ang mga naging balakid sa nakalipas na panahon.

“And but now, the security and defense are top of mind… we also have to see that because our economies and our societies have grown more complex, everything, impinges on everything else and… it is very hard for us to separate and say that this is a discreet sector that does not affect any other sector,” dagdag pa ng Pangulo.

Hinimok ng Pangulo ang mga Amerikanong negosyante na mamuhunan sa Pilipinas.