BBM

PBBM hiniling sa militar na suportahan isinusulong na kapayapaan sa Mindanao

210 Views

HINILING ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga sundalo na suportahan ang peace initiative sa Mindanao at bigyan ang tyansa ang pag-unlad ng rehiyon.

Binigyang halaga ni Marcos ang usapang pangkapayapaan na isinulong ng gobyerno sa mga rebeldeng Muslim.

“And because of the ongoing transition, the military’s mission will also change”, sabi ng Pangulo. “If we are able to do that, we are able to support. Kung dati natin silang nilalabanan, they are still learning how to become a government. And we must give them a chance to learn how to become a government. We should help them.”

Sinabi ni Marcos na mahalaga na maramdaman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang serbisyo na naibibigay ng gobyerno at ang kapayapaan na kailangan upang magawa ito.

Nagbabala naman si Marcos sa mga sektor na nais na guluhin ang pagkakaroon ng kaayusan sa Mindanao at ito umano ay dapat na paghandaan ng mga sundalo.

“They don’t talk of the religion, of ideology. Basta’t nagki-kidnap na lang, gumagawa na lang ng gulo, murder for hire, ‘yung mga ganyan. ‘Yun, nandiyan pa rin ang threat sa inyo diyan, kaya’t you cannot let your guard down also,” dagdag pa ng Pangulo.