Calendar
PBBM hirap makahanap ng kapalit ni Ople
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang pribadong necrological service para sa namayapang si Department of Migrant Workers (DMW), Secretary Susan “Toots” Ople nitong Lunes.
Ayon kay Pangulong Marcos malaking kawalan si Ople sa kanyang administrasyon at mahihirapan umano itong maghanap ng kanyang magiging kapalit.
“Napaka-malaki ang nawala sa akin, sa inyong lahat, at sa bansang Pilipinas. And if I do shed a tear, it is because it is such a sad day to know – it is such a sad – a bit of knowledge to know that Toots will not be here anymore and what a big gap she will leave not only to our friends, not only to our family but to the millions of those who she took care of, who she loved, and who she worked for tirelessly and endlessly,” ani Pangulong Marcos.
“Hanggang sa huli nagtatrabaho pa rin siya. Ngunit sinasabi ko nga hindi kasi – dahil tuloy-tuloy ‘yan, dahil hindi trabaho sa kanya ‘yan. Ang ginagawa niya na tumutulong sa ating mga OFW, ang ginagawa niya talaga ay isinabuhay niya talaga ang pagmamahal ng kapwa Pilipino lalong-lalo na ang mga nangangailangan ng tulong,” sabi pa ng Pangulo.
Iginiit naman ng Pangulo na dapat magtuloy-tuloy ang pagseserbisyo ng DMW kahit wala na ang kanilang kalihim at pagsilbihan ang milyun-milyong overseas Filipino workers (OFW).
“Maghanap tayo ng kasing-galing niya pero huwag na tayong umasa na mapalitan si Toots, na mag-substitute na magkakaroon ulit tayo ng Toots na ilalagay ulit natin, bibigyan natin ulit ng pagkakataon na magtrabaho,” sabi pa ng Pangulo.
“At malaki ang respeto ko kay Toots sa kanyang pagka-professional, sa kanyang kasipagan, at talaga ang puno’t dulo nung lahat ang kanyang pagmamahal talaga sa kapwa Pilipino. At iyon ay – that was on a professional side,” wika pa ng Pangulo. “Ganoon si Toots, hindi na nag-aantay ng…may initiative, she’s so professional at saka talagang alam na alam niya ‘yung trabaho niya.”
Pumanaw si Ople noong Agosto 22 sa edad na 61.