BBM1

PBBM ilang Gabinete tinalakay guidelines para sa mga programa ssa 2025 budget

Chona Yu Jan 11, 2025
10 Views

PINULONG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang Gabinete.

Ito ay para talakayin ang guidelines para sa mga programa at proyektong nakalatag sa P6.235-trilyong national budget para sa taong 2025.

Kabilang sa mga pinulong ni Pangulong Marcos sina Executive Secretary Lucas Bersamin, NEDA Secretary Arsenio Balisacan, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Social Welfare Secretary Rex Gatchalian at Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Matatandaang tinanggal ni Pangulong Marcos ang P194 bilyong line items sa budget dahil hindi malinaw kung saang proyekto gagamitin.

Kabilang sa tinanggal ni Pangulong Marcos ang P26.065 bilyong proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at P168.240 bilyon na “Unprogrammed Appropriations.”