Angara

PBBM inaprubahan paglikha ng Cabinet Cluster for Education

Chona Yu Aug 13, 2024
53 Views

PARA matugunan ang problema sa edukasyon, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala ng Second Congressional Commission on Education na lumikha ng Cabinet Cluster for Education.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na layunin nito na matugunan ang 5.5 na taong kakulangan sa tamang edukasyon o kaalaman ng mga mag-aaral at estudyang mga Filipino.

“And the President basically sa bandang dulo ng meeting, sinabi na niya na in principle, he approves of it and he’d like us to fast-track some of the actions dahil nakikita niya iyong urgency and it’s a very deep-seated problem. Kumbaga, medyo matagal-tagal na kailangang tugunan so … iyon. Ang sabi niya, talagang kailangan ito, itong cluster,” pahayag ni Angara.

“Pero huwag tayong … parang sinabi niya na huwag tayong tumigil diyan because the cluster is just a coordinating mechanism ‘di ba. We need to follow through with the … iyong pangangailangan sa bawat sector from early child development sa mga daycare centers to kindergarten up to K to 12, up to college, up to tech-voc, lahat iyon dapat sabi niya may positive interventions tayo for our learners,” dagdag ni Angara.

Sinabi pa ni Angara na ang paglikha ng Cabinet cluster on education ay para mabusisi, at mabigyan ng solusyon o intervention ang mga kakalungan sa karunungan ng mga estudyante.

Kasama sa cluster ang Commission on Higher Education, Technical and Skills Development Authority, Department of Budget and Management, Department of Labor and Employment, Department of Health, Department of Social Welfare and Development at National Nutrition Council.