PBBM

PBBM inikot Rizal sa aerial inspection ng mga nasalanta ni ‘Enteng’

Chona Yu Sep 4, 2024
101 Views

NAGSAGAWA ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Enteng.

Partikular na inikot ni Pangulong Marcos ang probinsya ng Rizal na matinding tinamaan ng bagyo at Marikina.

Hindi na nakaikot si Pangulong Marcos sa Bulacan dahil sa masamang lagay ng panahon.

Paliwanag ni Pangulong Marcos, nais niyang makita ang mga lugar na lubog pa sab aha.

“The first thing we’d like to look for is where are the areas that are still under water para makita natin kung saan tayo pwedeng pumasok na. What I’m really trying to assess is where are the areas that we can already service because at the very beginning wala tayo nagagawa for the storm to pass ngayon nakalabas na so titignan natin kung saan ang mga area na nangangailangan at pwedeng pasukin kung hindi pwedeng pasukin kung ano ang gagawin natin para makapasok na mga asset natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa pinakahuling talaan ng Office of Civil Defense, nasa 15 katao na ang nasawi dahil sa bagyong Enteng.