BBM

PBBM inimbita sa climate change conference sa Egypt

207 Views

INIMBITAHAN si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isasagawang climate change conference na gagawin sa Egypt sa Nobyembre.

Ipinarating ni Ambassador Ahmed Shehabeldin Ibrahim ng Egypt ang imbitasyon ni Egypt President Abdel Fattah el-Sisi kay Marcos nang pumunta ito sa headquarters ng huli sa Mandaluyong City ngayong Hunyo 13.

Sinabi ni Ibrahim na napag-usapan nila ni Marcos ang hamon na matugunan ang climate change na nakaka-apekto sa Pilipinas at Egypt.

Nabuksan din umano ang pag-uusap kung papaano mapatitibay ang relasyon ng dalawang bansa.

“It was really fruitful and we will follow up with that and Egypt is really keen to develop the bilateral relations with the PH being one of the key spots of international relations,” sabi ni Ibrahim.