BBM

PBBM ipinag-utos agarang pagbabalik ng suplay sa mga nilindol na lugar

198 Views

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agarang pagbabalik ng suplay ng tubig sa mga lugar na nasalanta ng lindol.

“That (water supply) is priority than communications and power. That is something that has to be restored immediately,“ sabi ni Marcos na personal na nagtungo sa Abra upang tignan ang kalagayan ng mga tao roon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development maraming lugar sa Abra ang nawalan ng suplay ng tubig matapos ang magnitude 7.0 lindol.

Sinabi naman ng Office of Civil Defense na kakailanganin ng 300,000 bote ng maiinom na tubig sa Abra.

Iginiit naman ni Marcos na dapat maglagay ng maraming water purifier sa mga nasalantang lugar.

“We cannot depend only on water bottles kasi after a while and then makikita ninyo ang daming plastic agad sa barangay ninyo, maglilinis kayo nang husto,” wika pa ni Marcos.

Inutusan din ni Marcos ang military na gamitin ang mga air assets nito upang mabilis na makapaghatid ng relief aid sa mga nasalanta.

Sinabi ni Marcos na tinamaan na ng lindol ang mga biktima at hindi intensyon ng gobyerno na madagdagan pa ang paghihirap ng mga ito.

Nagpadala na rin ng mga tent at cot bed, hygiene kits, gamot at iba pang suplay ang Department of Health (DOH) sa lugar.