BBM1

PBBM ipinaliwanag kung bakit kasama si Speaker Romualdez sa mga biyahe

140 Views

SI Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mismo ang nagpaliwanag kung bakit palaging kasama nito si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa.

Ayon kay Pang. Marcos mahalaga ang partisipasyon ni Speaker Romualdez lalo na kung foreign investment ang pangunahing agenda ng biyahe.

Sa isa sa kanyang mga talumpati sa 50th ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit sa Tokyo, Japan, sinabi ng Pangulo na mayroong mga pangakong pamumuhunan na kakailanganin ng batas para maipatupad at pakinabangan ng husto ng bansa.

“That is why the Speaker of the House of the Representatives of the Philippines is here, accompanying us, on what is essentially is a business delegation but because of the laws in the Philippines dictate that all revenue measures that are undertaken or new laws that are revenue measures must originate from the House of Representatives,” ani Pang. Marcos na ang pinatutungkulan ay si Speaker Romualdez.

Si Romualdez, kinatawan ng unang distrito ng Leyte, ang lider ng Kamara na mayroong mahigit na 300 miyembro. Siya ay ikinokonsiderang pinakamataas na kaalyado ng Pangulo sa lehislatura.

“I would like to stress and reiterate to our valued partners here today that we continue to listen to the issue the you bring up,” sabi pa ni Marcos.

Sinabi ni Pang. Marcos na ang mga input na nakuha nito sa mga nais na mamuhunan sa bansa ay ikinokonsidera upang matiyak na magiging matagumpay ang magiging pamumuhunan ng mga ito sa bansa.

“As we have recently demonstrated, we take due note of the valuable feedback we received from you and we worked closely with Congress to enact much needed legislation that we hope will answer your needs and concerns,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Muli namang sinabi ni Speaker Romualdez na ang Kamara ay magiging katuwang ng administrasyong Marcos sa pag-enganyo sa mga dayuhan na mamuhunan sa bansa.

Nauna rito, sinabi ni Speaker Romualdez ang plano na muling buhayin economic Charter change (Cha-cha) na naglalayong amyendahan ang limitasyong nakasaad sa economic provisions ng 1987 Constitution na nagsisilbing balakid kung bakit nagdadalawang-isip ang mga mamumuhunan na pumasok sa bansa.