BBM1

PBBM itinulak Bagong Pilipinas brand ng pagmamahala

133 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno ang paggamit ng Bagong Pilipinas branch ng pamumuno at pamamahala patungo sa komprehensibong reporma ng mga polisiya para sa pagbangon ng ekonomiya.

Sa tatlong pahinang memorandum circular na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inatasan ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang mga government-owned or controlled corporations (GOCCs) at state universities and colleges (SUCs) na gamitin ang Bagong Pilipinas campaign sa kanilang mga programa, aktibidad at proyekto.

Aprubado na rin ang gagamiting logo ng Bagong Pilipinas.

“All NGAs and instrumentalities, including GOCCs and SUCs, shall adopt the ‘Bagong Pilipinas’ logo and incorporate the same in their letterheads, websites, official social media accounts, and other documents and instruments pertaining to flagship programs of the government,” sabi sa memorandum.

Ang Bagong Pilipinas campaign ay nagsisilbing tema ng pamamahala ng administrasyon ni Pangulong Marcos na nakabase sa may prinsipyo, may pananagutan, at maaasahang pamamahala.