Calendar
PBBM kay Trump: Tuloy ang alyansa ng PH, US
NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay US President Donald Trump.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag matapos ang inagurasyon ni Trump bilang ika-47 na pangulo ng Amerika.
“Congratulations to POTUS @realdonaldtrump and to the American people on another peaceful transfer of power in their Nation’s nearly 250-year history,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“I look forward to working closely with you and your Administration,” dagdag ng Pangulo.
Pagtitiyak ni Pangulong Marcos, tuloy ang malakas na ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng administrasyon ni Trump.
“The strong and lasting PH-US alliance will continue to uphold our shared vision of prosperity and security in the region,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nobyembre noong nakaraang taon ay nagkausap sa telepono sina Pangulong Marcos at Trump.
Sa naturang pag-uusap, ipinaabot ni Pangulong Marcos ang malalim na pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa Amerika lalo na sa usapin ng depensa.