BBM1

PBBM kumpiyansa na malalagpasan ng aquaculture, livestock, poultry industry hamon ng El Niño

Neil Louis Tayo Jul 5, 2023
180 Views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malalagpasan ng poultry, livestock, at aquaculture industry ng bansa ang hamong dala ng El Niño phenomenon.

“The problem with the water I think is solvable when it comes to in terms of the livestock. Ang mahihirapan sa crops. Sa fisheries, hindi gaano, as you can imagine. So, I think I’m confident that when it comes to livestock and the broilers, the hogs, and the cattle,” ani Pangulong Marcos.

Dumalo ang Pangulo sa pagbubukas ng Livestock Philippines Expo 2023 na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City.

“If we continue to be able to fix the systems and now of course ang pinakamalaking issue ay ‘yung ASF pa rin at saka ‘yung Avian influenza. So, dahan-dahan mukhang nakokontrol naman natin at nakikita natin magandang supply dito sa atin ngayon. Hindi naman masyadong magalaw ‘yung presyo, medyo stable,” sabi pa ng Pangulo.

Binigyan-diin ng Pangulo ang kahalagahan na gamitin ang mga bakuna upang malabanan ang mga sakit ng mga hayop.

“I think kakayanin natin i-sustain. Hindi lamang i-sustain ito pero pagandahin pa natin, palakahin pa natin. Make it more efficient, make it more streamlined,” saad pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo natapos na ang Phase 1 ng safety and efficacy trial ng ASF vaccines sa bansa.