BBM1

PBBM: Maharlika fund pinag-aaralan upang maging angkop sa PH

151 Views

PINAG-AARALAN umano ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) upang maging angkop ang paggamit nito sa pangangailangan ng bansa.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na idedesenyo ang MIF sa kondisyon ng Pilipinas upang dumami ang pamumuhunan sa bansa kasabay ng pagtungon sa mga pangangailangan para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

“You know, going on about the fund, the more we study it, the more it’s clear that… although the sovereign wealth funds around the world have the same name, they’re all very different. They’re different in purpose, they’re different in methodology and of course, they operate in a different context of law,” ani Pangulong Marcos.

“So we have to design it very specifically to the Philippine condition and that’s what the legislators are trying to do now to make sure na babagay para sa atin and it will be a good thing for us. So that’s the process that we’re undergoing now,” punto pa ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na mayroong nagrekomenda sa kanya na kunin ang pondo ng MIF mula sa initial public offering (IPO) at titignan umano niya kung angkop ito sa bansa.

Nagpakita ng interes sa MIF ang mga lumahok sa 2023 annual meeting ng World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Ang panukalang MIF ay inaprubahan na ng Kamara de Representantes at naipadala na sa Senado. NINA RYAN PONCE PACPACO & ROY PELOVELLO