Wang

PBBM makikipagkita kay Chinese Foreign Minister Wang Yi

180 Views

KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makikipagkita ito kay Chinese Foreign Minister Wang Yi upang palakasin ang relasyon ng Pilipinas at China.

Bukod sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), sinabi ni Marcos na nais din nitong mapag-usapan ang mga larangan ng edukasyon at kultura ng dalawang bansa.

“It’s essentially always trying to find ways to improve relationship and we have many proposals to them in the sense that we would like for us to increase the scope, huwag lang ‘yung West Philippine Sea ang pinaguusapan ng China at Pilipinas,” sabi ni Marcos sa kanyang unang pagharap sa media matapos na manumpa bilang Pangulo ng bansa.

Sinabi naman ni Marcos na hindi pa naitatakda ang petsa ng pag-uusap.

Nauna ng binigyan-diin ni Marcos ang pangangailangan na palakasin ang relasyon ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.