BBM1

PBBM may official visit sa US

201 Views

BIBIYAHE si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Washington DC para makipagpulong sa mga opisyal ng Estados Unidos mula Abril 30 hanggang Mayo 4.

Layunin ng pagbisita na pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Ang itinerary ng Pangulo ay magsisimula ng Mayo 1 kung kailan makikipagpulong ito kay U.S. President Joe Biden. Susundan ito ng pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Gabinete.

Inaasahan na muling itutulak ng Pangulo ang interes ng Pilipinas partikular sa sektor ng agrikultura, enerhiya, climate change, digital transformation, humanitarian assistance at disaster relief, supply chains, at imprastraktura.

Ang Estados Unidos ay isa sa pangunahing bilateral trade partner ng Pilipinas.