Calendar
PBBM nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa Malacañang.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sumailalim sa antigen test si Marcos at doon lumabas na siya ay positibo sa naturang virus.
Sinabi ni Cruz-Angeles na si Marcos ay mayroong “slight fever.”
Nag-negatibo naman umano si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos samantalang si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos at mga anak na sina Simon at Vincent ay out of town.
Pinayuhan ng Presidential Management Staff ang lahat ng nakasalamuha ni Marcos na magbantay kung magkakaroon ng sintomas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kailangan ng Pangulo na mag-isolate ng pitong araw at bahala na umano ang kanyang doktor kung sasailalim sa confirmatory RT-PCR test.
“After that, if his symptoms have been resolved already, he may be able to get back to work and have his face-to-face activities,” sabi ni Vergeire.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nahawa ng COVID-19 si Marcos.
Noong Marso 2020 ay nagpositibo ito pagbalik mula sa Europa.
Binanggit din ito ni Marcos sa kanyang inaugural speech noong Hunyo 30.