BBM2

PBBM nagsagawa ng aerial inspection sa naapektuhan ng oil spill

160 Views

PERSONAL na nagsagawa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang aerial inspection sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Tiningnan ng Pangulo ang mga baybayin sa probinsya, kasama ang ilang opisyal ng Philippine Coast Guard at ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro upang makita ang kabuuang pinsala at mailatag ng mabuti ang kauukulang aksyon para sa pagtugon sa paglilinis ng katubigan at pag-abot ng tulong sa mga naapektuhang residente.

Ayon sa Pangulo, sanib-pwersa ang mga ahensya ng pamahalaan upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga komunidad na lubhang naapektuhan ng oil spill.

Nasa 140,728 food packs mula sa Department of Social Welfare and Development ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya at nagbigay din ng tulong ang Department of Agriculture sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program nito.

Pinangunahan naman ng Department of Labor and Employment, Department of Agriculture – Philippines, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at Department of Trade and Industry ang pagbibigay ng livelihood program sa mga residente.