BBM2 Kasama nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Trade and Industry Secretary Cristina Roque, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go at ibang opisyal ng Pilipinas ang mga executive ng Shera Public Company Limited Miyerkules ng gabi sa Vientiane, Lao Peoples’ Democratic Republic.

PBBM nakumbinsi pangunahing kompanya ng semento na mamuhunan sa PH

Chona Yu Oct 10, 2024
42 Views

VIENTIANE — Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may panibagong trabaho na maibibigay ang gobyerno sa publiko.

Ito ay matapos makumbinsi ni Pangulong Marcos ang Shera Public Company Limited na pangunahing kompanya na gumagawa ng fiber cement products na mamuhunan sa bansa.

Nakausap ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng Shera sa sidelines ng 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao Peoples’ Democratic Republic.

“We’re proud to welcome Shera Public Company Limited’s investment’s in the π˜—π˜©π˜ͺ𝘭π˜ͺ𝘱𝘱π˜ͺ𝘯𝘦𝘴. As a leader in fiber cement products, SHERA isn’t just bringing eco-friendly building solutionsβ€”they’re also creating jobs and reducing our reliance on imports,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We look forward to seeing your green innovations in action, helping the π˜—π˜©π˜ͺ𝘭π˜ͺ𝘱𝘱π˜ͺ𝘯𝘦𝘴 become a hub for smart and sustainable manufacturing,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Nabatid na ang Shera ay nangunguna ng kompanya sa Thailand at nagpalawak ng operasyon sa Lao.