BBM Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang namamahagi ng titulo ng lupa sa mga magsasaka sa Palawan Source: PCO

PBBM namigay ng titulo ng lupa sa mga magsasaka sa Coron

Chona Yu Sep 19, 2024
61 Views

BBM1AABOT sa may 1,287 titulo ng lupa ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka sa Coron, Palawan.

Kasama sa mga benepisyaryo ang mga kabataang nagsipagtapos ng kursong agrikultura.

Ayon kay Pangulong Marcos, kung ano man ang natutunan ng mga agriculture graduates ay magagamit na sa lupang ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.

Ang nasabing hakbang na mabigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ang mga kabataan ay isang pamamaraan ng gobyerno na pumasok sa agrikultura.

Bukod sa CLOA ay namahagi din ng Certificate of Condonation ang Pangulo at pinangasiwaan ang pag- turn-over ng mga Farm-to-Market Roads sa lalawigan.

“Nawa sa tulong na ito ay mahikayat kayo na isagawa ang mga makabago at maunlad na pamamaraan ng pagsasaka,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Bilang pagtugon sa usaping pangkapayapaan at maipakita natin na ang gobyerno ay iniisip ang inyong kapakanan at kinabukasan… Ito po ay ating ginagawa para sa inyong kapakanan at kinabukasan. Makakatanggap din po nito ang ating mga kabataan na muling nakikiisa sa pamahalaan,” dagdag ng Pangulo.