BBM5 P6.326T nat’l budget nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

PBBM nilagdaan na P6.3T GAA

Chona Yu Dec 30, 2024
25 Views

BBM6BBM7NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P6.326 trilyong General Appropriations Act (GAA).

Bagama’t hindi vineto ni Pangulong Marcos ang GAA sa kabuuan, inalis naman ang nasa P194 bilyong halaga ng line items.

Sa kanyang talumpati sa signing ceremony na ginanap sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na ang mga tinanggal na parte ng bill ay hindi naaayon sa mga programmed priorities ng administrasyon.

Aniya, kabilang dito ang ilang programa at proyekto ng DPWH at iba pa na nakahanay sa Unprogrammed Appropriations, na sinasabing lumobo ng tatlong daang porsyento.

Tiniyak naman ng punong ehekutibo na isusulong pa rin ang conditional implementation ng ilang items upang masigurong magagamit ang pondo ng bayan, batay sa awtorisado at nasasaad na paglalaanan nito.

Nilinaw din ng Pangulo na tuloy pa rin ang Akap o Ayuda sa Kapos ang Kita program kung saan magsasanib-pwersa sa implementasyon nito ang Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment at National Economic Development Authority.

Paliwanag ni Pangulong Marcos ang ganitong paraan ay hindi lamang pansamantalang solusyon ang mailalatag kundi magkakaroon din ng long-time improvement ang buhay ng mga benepisyaryo habang tinitiyak na walang duplikasyon at nagagamit nang tama ang pondo.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga na hindi masisira ang tiwala ng publiko sa paglalabas ng pondo ng bayan.