BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Calendar

Nation
PBBM, Pangulo ng SG tinalakay enerhiya, healthcare
Chona Yu
Aug 15, 2024
119
Views
SUMENTRO sa usapin sa enerhiya at healthcare ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Singaporean President Tharman Shanmugaratnam.
Nasa bansa si Shanmugaratnam kasama si First Lady Jane Yumiko Ittogi Shanmugaratnam para sa tatlong araw na state visit sa Pilipinas.
Sinaksihan ng dalawang lider ang ilang Memoranda of Understanding (MOUs), pati na ang recruitment ng Filipino healthcare workers.
Pinag-usapan din ng dalawang lider ang kolaborasyon ng dalawang bansa ukol sa climate change financing.
Binigyan ng arrival honors ang lider ng Singapore.
Ipinagdiriwang ng Singapore at Pilipinas ang ika-55 na anibersaryo ng diplomatic ties. Nagsimula ang relasyon ng dalawang bansa noong Mayo 16, 1969.
Panawan ng caucus sa Senado tinanggihan
Feb 23, 2025