Martin

PBBM pinangunahan paglulungsad ng BPSF sa 4 na probinsya

Mar Rodriguez Sep 23, 2023
188 Views

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang matagumpay na magkakasabay na paglulungsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa apat na probinsya kung saan inaasahang makakukuha ng serbisyo mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno ang mahigit 400,000 indibidwal.

“President Marcos led the ambitious endeavor of bringing government services closer to the people, even to the farthest corners of the country. Naniniwala ang ating Pangulo na dapat maging pro-active ang ating mga ahensya sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isa sa organizer ng BPSF.

“The dry run in Biliran last month was a huge success. And with the President’s participation in this Grand Launch, we believe that everyone involved in this event – especially those in government – will be running on passion and inspiration, knowing that the Chief Executive himself leads the charge in serving our fellow citizens,” sabi ng lider ng Kamara na may 311 miyembro.

Ang BPSF national secretariat ay binubuo ng Office of the President, Office of the Speaker, Presidential Communications Office (PCO), at Kamara de Representantes.

Mula sa orihinal na dalawang araw na event, nagdesisyon ang mga organizer na palawigin ito hanggang sa Biyernes dahil sa dami ng nais na kumuha ng serbisyo.

Hanggang alas-11:19 ng umaga ng Sabado, umabot na sa 293,046 ang nagparehistro sa portal ng event. Patuloy umano ang paglobo ng mga nagpaparehistro at inaasahan na lalagpas ito ng 400,000 sa mga darating na araw.

Nang magsagawa ng dry run ng BPSF sa Biliran noong Agosto 26, 2023, mahigit 22,000 indibidwal ang nabigyan ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno na pinagsama-sama sa iisang event. Dalawang araw ang naturang event.

Ang BPSF—ang pinakamalaking service caravan sa bansa ay inilungsad ng sabay-sabay nitong Sabado sa Laoag City sa Ilocos Norte, bayan ng Nabua sa Camarines Sur, bayan ng Tolosa sa Leyte, at Poblacion Monkayo sa Davao de Oro.

Ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro sa BPSF portal ay 69,552 sa Davao de Oro; 75,402 sa Ilocos Norte; 95,750 sa Camarines Sur; at 52,342 sa Leyte.

Si Pangulong Marcos ang nanguna sa paglulungsad sa Camarines Sur samantalang si Speaker Romualdez naman ang nanguna sa event sa Leyte.

Si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Araneta Marcos ang nanguna sa serbisyo caravan sa Ilocos Norte, at si Special Assistant to the President Anton Lagdameo naman sa Davao de Oro.

“We have digital portals for each event where people can register for a particular government service. So far, we have received an overwhelming response from the people! We have at least 293,046 people registered as of this time, and more are still trying to register,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Many times, the distance to urban centers discourages the people from far-flung areas. The BPSF is our way of bringing government services closer to them. We will have more of these Serbisyo Fairs as President Marcos wants this institutionalized, more or less,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Sinabi ni Speaker Romualdez na magsasagawa ng BPSF sa lahat ng 82 probinsya upang pagsilbihan ang milyun-milyong Pilipino.

Mahigit 60 serbisyo ng gobyerno ang maaaring makuha sa grand launch.

Ang mga ahensya na nagbibigay ng social services na nakiisa sa lunching ay ang Department of Health (DoH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Food and Drug Administration (FDA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Food Authority (NFA), Office of Civil Defense (OCD) at Philippine Coconut Authority
(PCA).

Sa ilalim naman ng livelihood at educational services ang Department of Agrarian Reform (DAR), Commission on Higher Education (CHED), Department of Science and Technology (DOST), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Skills and Development Authority (TESDA), DENR, OCD, at FDA.

Sa ilalim naman ng regulatory functions ay nagbigay ng serbisyo ang Department of Foreign Affairs, Philippine National Police (PNP), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Bureau (LTFRB), Professional Regulations Commission (PRC), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang iba pang lumahok sa event ay kinabibilangan ng Department of Information and Communication Technology (DICT), Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System, PhilHealth, Pag-Ibig, Public Attorney’s Office (PAO), at Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Sa bawat probinsya ay mayroong mga piling serbisyo ng gobyerno na ibinibigay na akma sa pangangailangan ng mga residente.

Halimbawa dito ang pamimigay ng libreng gupit, masahe, at nail care ng TESDA sa Leyte kung saan pinangunahan ni Speaker Romualdez ang paglulungsad bukod sa scholarship programs, Competency Assessment and Certification, at skills demonstration.

Upang aliwin ang mga pumunta ay mayroon ding isinagawang Pasasalamat Concerts sa mga event.

Kasama sa pangunahing serbisyo na kinukuha sa BPSF ay ang mga sumusunod:

• Enrollment sa TUPAD o GIP
• Legal counseling
• Distribusyon ng farm inputs at makinarya
• Tulong Dunong Program
• TESDA scholarships and program enrollment
• Financial assistance programs
• Kadiwa Stores
• SB Corp. services para sa MSMEs
• Educational assistance
• LTO driver’s license renewal
• DFA passport application
• NBI clearance application
• Police clearance application
• LTOPF renewal/application
• PSA birth certificate application
• Pag-ibig membership at housing loan
• SSS membership application
• GSIS UMID application
• Postal ID application
• National ID application
• PhilHealth consultation
• Public service training
• PRC renewal
• PAO free legal services
• PhilHealth registration

“I believe that these Serbisyo Fairs will directly benefit the people. As public servants, especially those who will be directly serving the people, may the thought of helping our fellow citizens be a rewarding experience for all of us,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.