BBM Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang paglulunsad ng. Agri-Puhunan at Pantawid Program isa Guimba, Nueva Ecija. PCO

PBBM pinangunahan paglunsad ng Agri-Puhuna, Pantawid Program sa N. Ecija

Chona Yu Sep 13, 2024
121 Views

BBM1BBM2BBM3BBM4PERSONAL na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglunsad ng Agri-Puhunan at Pantawid Program sa Guimba, Nueva Ecija

Programa ito ni Pangulong Marcos na isang credit facility na nag-aalok ng mababang interes na pautang upang matulungan ang mga magsasaka na makakuha ng kinakailangang pondo para sa kanilang mga pang-agrikultural na pangangailangan

Ayon kay Pangulong Marcos, bawat benipisyaryong magsasaka ay makakatanggap ng tinatawag na Interventions Monitoring Card sa ilalim ng naturang programa.

Dito rin aniya kukunin ang pambili ng binhi, fertilizer o pataba, pesticides at iba pang pangangailangan ng magsasaka.

Maliban dito bibili rin ang National Food Authority (NFA) ng limang tonelada o hindi bababa sa 100 sako ng palay mula sa mga magsasaka na hindi bababa sa P21 kada kilo.

Dahil dito kaya inaasahan na ang kikitaain ng mga magsasaka sa bawat isang ektaryang lupain ay aabot sa P1,500 na agad papasok sa kanilang Interventions Monitoring Card (IMC).