Gatchalian

PBBM pinatiyak sa DSWD na walang biktima ni ‘Kristine’ na magugutom

Chona Yu Oct 24, 2024
57 Views

PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang biktima ng bagyong Kristine ang magugutom.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ipinag-utos din ni Pangulong Marcos ang agarang pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa mga biktima ng bagyo na nasiraan ng tahanan.

“Makakaasa ho kayo na tuloy-tuloy po ‘yan – ‘yan ang instruction sa atin ng ating mahal na Pangulo na walang pamilya, o walang biktima ng kalamidad ang magugutom,” pahayag ni Gatchalian.

“Pangalawa, kapag bumaba na ho ang tubig baha sisiguraduhin naman natin na ang mga cash relief or cash assistance magsisimula na sa mabilis na panahon,” dagdag na kalahim.

Tiniyak pa ni Gatchalian na sapat ang pondo ng kagawaran para ayudahan ang mga biktima ng bagyo.

“Let me categorically say that the DSWD has available funds ready to mobilize financial assistance in the coming days,” pahayag ni Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, palaging available ang pondo ng DSWD bukod pa sa regular assistance at disaster relief funds.