PBBM pinatututukan mga naiiwan sa kanayunan—NAPC

162 Views

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) na pagtuunan ng pansin ang mga mahihirap na komunidad lalo na ang mga naiiwan sa mga kanayunan.

Ayon kay NAPC vice chairperson Ruperto Aleroza nabanggit ito ng Pangulo sa kanilang huling pagpupulong.

Ipinatitiyak umano ng Pangulo na makararating sa mga naiiwan sa kanayunan ang tulong ng gobyerno.

Target ng NAPC na mapababa ang 18 porsyentong poverty incident sa bansa na naitala noong 2022 sa single digit sa pagtatapos ng termino ng Pangulo sa 2028.

Inamin naman ni Aleroza na malaking hamon ito lalo at nagkaroon ng Covid-19 pandemic at patuloy ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.