Martin

PBBM pinuri ni Speaker Romualdez sa pagsusulong ng food security ng Pilipinas sa ASEAN-Japan Summit

Mar Rodriguez Dec 18, 2023
99 Views

PINAPURIHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang maigting na pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ng lahat ng Pilipino sa kaniyang intervention nitong Linggo sa unang sesyon ng ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.

“President Marcos’ focus on food security at the ASEAN-Japan Summit sends a clear message: the well-being of Filipino families is a top priority,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara de Representantes na may mahigit 300 miyembro.

“His efforts to secure robust partnerships and cutting-edge agricultural technology advancements directly translate to a more stable food supply and stronger economic opportunities for millions of Filipinos across the nation,” dagdag ni Romualdez, na bahagi ng opisyal na delegasyon ng Pangulo sa Tokyo summit.

Tinukoy ni Romualdez ang pagbibigay diin ng Pang. Marcos sa pagkakaroon ng matatag at pangmatagalang sistema ng agrikultura at pagkain gamit ang makabagong teknolohiya at mga pagbabago sa kanyang intervention sa summit.

Kasama rin aniya dito ang pagkilala ng Pangulo sa pagsuporta ng Japan sa pamamagitan ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve at ASEAN-JICA Food Value Chain Development Project, na pakikinabangan ng mga Pilipino.

Paliwanag ni Romualdez ang emergency rice reserve at collaborative food development projects ay isang mabisang panangga laban sa kakulangan ng pagkain at pagbabago ng presyo, mga bagay na magbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino laban sa gutom at kahirapan sa ekonomiya.

Maliban dito, sinabi ng lider ng Kamara ang pagnanais ng Pangulo na maging moderno ang sektor ng agrikultura na magpaparami ng produksyon ng pagkain sa bansa.

“Investing in sustainable agricultural practices opens doors for job creation and economic growth in rural communities, strengthening livelihoods and improving the quality of life of our citizens,” saad ni Romualdez.

Muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang buong suporta ng Kamara sa mga hakbangin ni Pang. Marcos para sa seguridad sa pagkain at iba pang usaping pang nasyunal at pang rehiyon.

Una nang binanggit ni Romualdez na naglaan ng pondo ang Kongreso sa ilalim ng P5.768-trilyon pambansang pondo para sa 2024 para sa programa ng administrasyong Marcos upang makabili ang may 28 milyong mahihirap na Pilipino ng de kalidad na bigas.

Tinawag na Bagong Pilipinas Community Assistance and Rice Discount (CARD), ang bagong programa ay nabuo sa pakikipagtulungan kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian at mga lokal na pamahalaan.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Romualdez na sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Marcos at sa mga inisyatiba nito ay magkakaroon ng masaganang kinabukasan ang sektor ng agrikultura ng bansa.

“President Marcos’ proactive approach at the ASEAN-Japan Summit demonstrates his unwavering dedication to the Filipino people,” wika pa ni Romualdez.

“By working together with our friends and allies we can build a food-secure future where Filipino families thrive and our nation enjoys continued growth and prosperity.”