BBM1

PBBM pinuri sa pag-isyu ng AO 22

93 Views

PINURI ni Senador Francis Chiz Escudero ang pag isyu ng kasalukuyan gubyerno ng Administrative Order No. 22 na lumilikha ng special body upang derecho talakayin ang human rights o ang karapatan pantao ng sinuman sa ilalim ng ating demokratikong bansa.

Sa kanyang paglalahad, sinabi ni Sen. Escudero na tahasan niyang sinusuportahan ang desisyon na ito ng Pangulong Marcos jr., na magtataguyod sa pagkilala sa karapatan ng ating mamamayan lalo pa at may kautusan ang punong ehekutibon ng agaran na pagpapa sa tupad sa implementasyon ng nasabing kautusan.

“I commend the President for taking this step,” Escudero stated. “However, I sincerely hope that the intent and provisions of this issuance will be faithfully executed ‘down the line.’ It is crucial not only for addressing human rights issues related to the previous Marcos regime but also for addressing concerns from the previous administration and the entire country.” ani Escudero.

Ang paglikha ng aniya special body ay simbolo ng ipinangako ng Pangulong Marcos jr. nuong kasagsagan ng kampanya na kikilalanin niya ang karapatan ng sinumang Pilipino at papanagutin ang may sala upang matuldukan na ang pang aabuso ng mga nasa poder, ani Escudero na siya rin chairman sa Senate Committee on Human Rights.

“We must ensure that this initiative translates into meaningful action, benefiting all Filipinos.” ani Escudero na nagsabing napapanahon na upang makita ng sinuman mamamayan na handa silang ipagtanggol ng ating gubyerno sa anumang pang aabuso.

Base sa inilabas na AO no. 22, na pinirmahan na ni Executive Secretary Lucas Bersamin nuong nakaraam May 8, ang Special Committee on Human Rights Coordination ang siyang binigyan ng karapatan upang isagawa ang initiatibo at mga ipagpatuloy ang mga gawain ng United Nations for the Joint Programme (UNJP) on Human Rights sa larangan ng pagsasapatupad ng batas at pagkilala sa kasalukuyang criminal justice at policymaking.

Ang bumubuo at kumakatawan sa nasabing departamento ay kinabibilangan naman nina Bersamin at ang co-chair nito na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Bukod sa nabanggit ay kasama rin ang kasalukuyang Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at ang Interior and Local Government Secretary na si Benhur Abalos.