BBM

PBBM: San Juanico Aesthetic Lighting Project makatutulong sa turismo sa E. Visayas

221 Views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makatutulong sa turismo at ekonomiya ng Eastern Visayas region ang pagpapailaw sa San Juanico Bridge.

“With the recent completion of the San Juanico Aesthetic Lighting Project, I look forward to seeing the bridge turn into a true sight to behold, not just during the day, but now even in the dark at night,” sabi ng Pangulo na personal na sinaksihan ang pagbubukas ng ilaw ng tulay.

Pinuri ni Marcos ang mga opisyal ng lalawigan ng Leyte at Samar, Department of Tourism (DOT), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), at ang lahat ng nagsama-sama upang magawa ang proyekto.

“I look forward to the economic opportunities that will be stimulated by this, as well as other Spark Samar initiatives, in the near future. I eagerly anticipate the assistance it will bring for the complete recovery of the tourism industry in the Eastern Visayas and nearby areas,” ani Marcos.

Pinuri rin ng Pangulo ang pagsama-sama ng mga sangay ng gobyerno at ng pribadong sektor upang maibangon ang bansa mula sa pandemya.

“It is fundamental in our pursuit of programs this kind of cooperation that you have done and programs and projects that will boost the tourism and economic development of Samar and Leyte,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang San Juanico Bridge ay may habang 2.16 kilometro at nagdurugtong sa Samar at Leyte. Itinayo ito sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos, ang ama ng kasalukuyang Pangulo.

Pinondohan ng War Reparations Program ng Japan ang tulay na pinasinayaan noong Hulyo 2, 1973, na nagkataong kaarawan ng dating First Lady Imelda Romualdez Marcos na nagmula sa Tacloban City.