BBM2

PBBM satisfied sa Davos trip

194 Views

MARAMI umanong nagawa ang delegasyon ng Pilipinas sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung nagawa ng kanyang delegasyon ang halos lahat kung hindi man ang lahat ng kailangan nitong magawa sa pagdalo sa World Economic Forum.

“We can say we are satisfied that we were able to do most if not all the things we want to do while we were here in Davos,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na mahalaga na mabuksan ang linya ng komunikasyon sa ibang bansa.

“Natutuwa naman kami sa dalawang araw na nandito kami, marami naman talaga kaming nakausap, marami kaming nasimulan,” sabi pa ng Pangulo. “Lahat naman ito ay simula lamang. Ngunit kailangan buksan ang tinatawag na lines of communication.”

Bago umuwi sa Pilipinas ay humarap si Marcos sa Filipino community na nagtipon sa Zunich. Nina RYAN PONCE PACPACO & ROY PELOVELLO