PBBM Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa limang bagong infrastructure projects ng Department of Transsportation. PPA Pool

PBBM sinaksihan paglagda sa 5 bagong infra projects ng DOTr

Chona Yu Dec 18, 2024
57 Views

LagdaSINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa limang bagong infrastructure projects ng Department of Transsportation.

Ito ay ang New Cebu International Container Port (NCICP), na modernong pasilidad na nagkakahalaga ng P17 bilyon.

Target ng proyekto na maibsan ang congestion sa kasalukuyang Cebu Base Port.

Ang isa pang proyekto ay ang Cebu Bus Rapid Transit (CBRT) na nagkakahalaga ng P28.78 bilyon. Inaasahang mapagiginhawa ng modernong bus network ang araw-araw na biyahe ng mga Cebuano.

Para sa Bohol, iprinisinta ni Pangulong Marcos ang P4.5 bilyon Public-Private Partnership project para sa expansion ng Bohol-Panglao International Airport.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mapatataas sa 2.5 milyon ang mga pasahero sa lalawigan pagsapit ng 2026 at hanggang 4 na milyon sa 2030.

Positibo rin si Pangulong Marcos sa lilikhaing mga oportunidad ng mga bagong airports sa Dumaguete at Siargao.

Nagkakahalaga ng tig P11.647 bilyon ang New Dumaguete Airport at New Siargao Airport.

Tiniyak nito na sa tulong ng International Finance Corporation (IFC) ay makatutugon ang mga paliparan sa global standards.

“Let us remember: These projects are not just structures, they are representative of every Filipino’s dream of more comfortable travel, better opportunities, and a clearer path towards their goals and dreams,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Once completed, this will not only make goods more affordable but will also generate thousands of jobs for our people. Apart from this, it will also create more opportunities for everyone as it will provide increased space for port activities,” dagdag ni Pangulong marcos.