BBM2

PBBM sinertipikahan agarang pagpasa ng life sentence sa smugglers

157 Views

SINERTIPAKAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na agad na isabatas ang panukala na magpapataw ng habambuhay na pagkakakulong sa mga smuggler ng produktong agrikultural.

Sinulatan ng Pangulo si Senate President Juan Miguel Zubiri upang ipabatid ang sertipikasyon para sa Senate Bill No. 2432 na mag-aamyenda sa Republic Act No. 10845, o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Layunin ng panukala na maproteksyunan ang mga magsasaka at mangingisda laban sa smuggling.

Sa ilalim ng panukala ay idedeklarang economic sabotage ang smuggling, hoarding, profiteering, at kartel ng agricultural and fishery products.

Ang kaparehong panukala sa Kamara de Representantes ay naaprubahan na sa committee level. Inaasahan na matatapos ito ng Kamara bago mag-adjourn ang sesyon sa susunod na linggo.