BBM1

PBBM suportado mas madaling visa processing para sa foreign students

136 Views

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council (PSAC) na gawing mabilis ang pagproseso sa visa application ng mga dayuhang estudyante na nais mag-aral sa bansa.

Nakipagpulong si Pangulong Marcos sa PSAC Tourism Sector Group sa Malacañang kung saan pinag-usapan ang mga hakbang na makatutulong upang dumami ang mga turista sa bansa.

Inirekomenda ng PSAC ang pagkakaroon ng mas mabilis na proseso para sa visa requirement at processing ng mga student visa gayundin ang pag-accredit sa mga klinika na nagbibigay ng medical clearance at certificate.

Iminungkahi ng Trade department na repasuhin, gawing simple, at bawasan ang mga requirement.

“So, I think the easiest… is to align ourselves … We can choose to remove it altogether, the requirement for medical certificate, or if we will continue to require medical certificate, as long as it’s a recognized clinic, and it comes out in the actual list of hospitals or something like that. I’m sure there’s a way,” ani Pangulong Marcos.

Ang pagproseso umano ng student visa ay tumatagal ng dalawang buwan, ang pinakamatagal sa buong Southeast Asia.

Ayon kay Rene Limcaoco ng Hertz Philippines bago ang pandemya ay nasa 5 milyon foreign student sa bansa at inaasahan na lalaki ito sa 10 milyon sa 2030.

“And, predominantly, they go to English-speaking countries. There’s a large demand to learn and at the same time to learn English. For the Philippines, it’s a unique opportunity. We are an inexpensive place to get educated,” sabi ni Limcaoco.

Hanggang noong Agosto 14, mayroong 3.4 milyong foreign visitor sa bansa. Ngayong taon ay 4.8 milyon ang target.