BBM2

PBBM suportado pag-amyenda ng procurement law

Neil Louis Tayo Aug 24, 2023
138 Views

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-amyenda sa 2003 Government Procurement Reform Act, ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.

Sinabi ni Pangandaman na layunin ng pag-amyenda sa naturang batas na matugunan ang underspending sa gobyerno na isa sa dahilan ng mabagal na paglago ng gross domestic product (GDP) ng bansa noong ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.

“If we will look at the data for the first (semester) of this year, mayroon po tayong negative na 170.5 billion pesos po. Meaning, the national government agencies po was not able to disburse 170 billion pesos po of available funds kaya po bumaba po iyong ating—iyong contribution po ng government spending to our GDP was reduced,” ani Pangandaman.

Upang matugunan ang mabagal na paggugol ng pondo ng mga ahensya ng gobyerno, sinabi ni Pangandaman na pinaggagawa ang mga ahensya ng mga catch-up plan upang makahabol ang mga ito at maipatupad ang kanilang mga programa at proyekto ngayong taon.

Itinutulak din umano ng administrasyon ang modernisasyon ng procurement process.

“There has already been rapid transformation in technology over the past two decades – and the pandemic propelled the urgency for digital transactions in the country. That’s why our President is correct – that we need to make government procurement more attuned to our changing times,” dagdag pa ng kalihim.

Umaasa si Pangandaman na susuportahan ng Kongreso ang pagbabago sa procurement process na kadalasan umano ay 25 porsyento ng taunang budget ng gobyerno.