Marcos1

PBBM tinalakay usapin sa South China Sea sa Lao PDR

Chona Yu Oct 9, 2024
70 Views
Marcos2
Sina Pangulong Ferdinand Marcos at First Lady Liza Marcos sa pagbubukas ng 44th at 45th Asean Summits sa Lao PDR. Mga kuna ni REVOLI S. CORTEZ/PPA POOL

VIENTIANE — Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tinalakay niya sa kanyang apat na interventions sa 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic ang usapin sa South China Sea.

Gayunman, hindi naman espisiikong tinukoy ng Pangulo sa kanyang mga interventions ang pinakabaging insidente sa rehiyon.

Nagiging agresibo na ang China laban sa Pilipinas sa West Philippine Sea.

“No, I didn’t specify the details but that’s the general principle of the adherence to the rule of law and the UNCLOS. Just as a general thing. We’ll have a chance to get into more detail maybe in the next couple of days,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa Lao PDR si Pangulong Marcos para sa ASEAN Summits.