BBM1

PBBM tiniyak sapat na suplay ng bigas

153 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa at gumagawa ng mga hakbang upang makontrol ang pagtaas ng presyo nito.

“Basta’t things all things remain equal we have enough supply and that we’ll be able to keep the prices stable,” ani Pangulong Marcos.

Kumpiyansa ang Pangulo na hindi na mauulit ang nangyaring kakapusan sa suplay noong 2018 bagamat posible umanong numipis ang suplay dahil sa mga bagyo at El Niño phenomenon.

“So we are watching and waiting to see what the production levels are going to be after the last planting season before the harvest, for the upcoming harvest and what will be…Basta’t nag-harvest na tayo. Pagka umani na tayo, wala ng problema sa supply. It’s precisely as you mentioned. It is in the dry part where we are waiting for the last planting to be harvested,” sabi pa ng Pangulo.

Nananatili naman umanong bukas ang gobyerno sa pag-angat ng bigas kung kakailangan para matiyak na hindi magkakaroon ng rice crisis.

“So ‘yun ang tinitingnan natin. We may have to import. So that’s we’re keeping that option open,” sabi nito.

Sa pagtataya ng Department of Agriculture, aabot umano ang inaasahang suplay ng bigas ngayong taon sa 16.98 milyong metriko tonelada sapat para sa inaasahang demand na 15.29 MMT.

“This would leave the country with an ending balance of 1.69 MMT, which is equivalent to 45 days of buffer stock, instead of the 90-day ideal buffer stock to stabilize the price of rice,” ayon sa DA.