BBM

PBBM, US Deputy Secretary of State Sherman nag-usap

205 Views

PINUNTAHAN ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Huwebes, Hunyo 9.

Ayon kay incoming Executive Secretary Vic Rodriguez napa-usapan ang dalawa ang kahalagahan na mapalalim ang alyansa at pagkakaibigan ang Pilipinas at Estados Unidos.

Napag-usapan din umano ang pagtutulungan ng dalawang bansa upang lumakas ang kani-kanilang ekonomiya.

Natalakay din umano ang kahalagahan ng public-private partnerships, clean energy, at digital economy.