Calendar
PBBM: Veloso malayo pang mabigyan ng clemency
MALAYO pang mabigyan ng clemency ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si death row convict Mary Jane Veloso.
Sa ambush interview sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangang pag-aralan muna ang estado ni Veloso.
“Malayo pa tayo doon. We still have to have a look at really what her status is,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Batid ni Pangulong Marcos ang hiling ng pamilya ni Veloso na mabigyan ng clemency ang overseas Filipino worker.
Pero ayon sa Pangulo, ipinauubaya na niya sa legal experts kung karapat dapat na bigyan ng clemency si Veloso.
“We leave it to the judgment of our legal experts to determine whether the vision of clemency is appropriate. So we have to look at the— Wala namang condition na binigay ang Indonesia. So it’s really up to us. But we’re still at the very preliminary stage of her pag-uwi,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nasa Correctional Institution for Women na sa Mandaluyong City si Veloso matapos magpasya ang pamahalaan ng Indonesia na ibigay na sa kostudiya sa PIlipinas ang death row convict.
Taong 2010 nang maaresto si Veloso sa Indonesia dahil sa paagpupuslit ng illegal na droga.