BBM

PBBM: Wage rates i-review bilang tugon sa epekto ng inflation

Chona Yu May 1, 2024
141 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na i-review at pag-aralan ang kasalukuyang minimum wage rate sa kani-kanilang rehiyon.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na ito ay bilang pagtugon sa epekto ng inflation sa halaga ng iniuuwing sweldo ng mga manggagawa.

Binibigyan ni Pangulong Marcos ng 60 araw ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Board bago ang anibersaryo ng kanilang pinakahuling wage order para tapusin ang pag-aaral.

“As President, I call upon the Regional Tripartite Wage and Productivity Board, to initiate a timely review of the minimum wage in their respective region with due consideration to the impact of inflation among others, within 60 days prior to the anniversary of their latest wage order,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“I call on the National Wages and Productivity Commission to review its rules to ensure that the boards are able to maintain a regular and predictable schedule of wage review, issuance and effectivity to reduce uncertainty and enhance fairness for all stakeholders,” pahayag ni Pangulong Marcos.