NTF

PBBM walang balak buwaing NTF-ELCAC

Chona Yu May 17, 2024
112 Views

WALANG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na buwagin ang National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa ambush interview sa Cagayan de Oro City, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi naman ang gobyerno ang gumagawa ng sinasabing red-tagging kundi kung sino-sino lamang, kaya sa halip aniya na nilalabanan ang mga lumalaban sa pamahalan ay dapat silang tulungan.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na dahil sa NTF-ELCAC ay malaki ang naging epekto nito sa pagbabawal ng mga internal security threat.

Tatapusin rin aniya ng gobyerno ang iilan na mga barangay na hindi pa nalilinis sa mga rebel returnees at hindi pa nabibigyan ng tulong.

Siniguro naman ni Pangulong Marcos na tatanggalin ang NTF-ELCAC kapag hindi na ito kailangan,subalit sa ngayon na kailangan pa ito.

“Sa ngayon kailangan pa rin. Kailangan—yan ang naipangako natin na kapag kayo ay bumaba , at kayo ay itinigil ninyo ang paglaban ninyo sa gobyerno. tutulungan kayo namin sa hanapbuhay ninyo,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Aayusin din ni Pangulong Marcos ang mga barangay para mapaganda ang buhay nila.

Ilang grupo na ang nanawagan kay Pangulong Marcos na buwagin na ang NTF-ELCAC dahil sa umanoy red-tagging.