BBM1

PBBM: Whole of gov’t approach kailangan sa pagpapalakas ng PMMA

Neil Louis Tayo Jul 20, 2023
198 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na magsama-sama upang matulungan ang Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) at ang bansa na makasunod sa mga pagbabago sa global maritime industry.

Sa kanyang talumpati sa ika-200 Commencement Exercises ng PMMA “Madasiklan” Class 2023, kinilala ni Pangulong Marcos ang suporta ng pribadong sektor upang mapaganda ang maritime education at training sa bansa.

“As your partner in improving the skills and capabilities of our people in the maritime industry, I call on all the concerned agencies to coordinate closely with the PMMA,” ani Pangulong Marcos.

Nasa 224 kadete ang bahagi ng class “Madasiklan” o “Magigiting na may Dangal at Simbolo ng Kawal ng Karagatan.”

“Facilitate what will make our maritime education even more responsive to the needs of the nation while ensuring that whatever steps that we take will be in compliance with laws and regulations. This feat represents all that you have brought to the table so that we may fulfill the goals that you have set for your lives,” sabi pa ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na ang tagumpay ng maritime industry ay magdadala ng pagbabago hindi lamang sa mga kadete kundi maging sa kanilang mga pamilya at sa sambayanang Pilipino.

“Let that thought and let the opportunity to make a change in our society propel you to excel further and to become the leaders that you were trained and meant to be … May all of you be blessed as you navigate the world’s seas and oceans in the days and years ahead. My heartfelt congratulations,” dagdag pa ng Pangulo.

Ginanap ang 200th Commencement Exercises sa PMMA Complex sa San Narciso, Zambales.