Martin1 PARTY-LIST COALITION MEETING – Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI) na suportahan ang senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, sa lunch meeting ng Miyerkules sa Imelda Hall, Aguado, Malacañang grounds sa Manila. Kuha ni VER NOVENO

PCFI dineklara ang todo suporta sa 11 kandidato sa Senado ng Alyansa

Mar Rodriguez Apr 23, 2025
20 Views

Martin2NAGPAHAYAG ng suporta ang Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI) sa 11 senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na suportado ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang pagsuporta ay ginawa ng PCFI kasunod ng luncheon meeting nito kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pangulo ng Lakas-CMD na nauna ng nagpahayag ng suporta sa mga kandidato ng Alyansa. Dumalo sa pagpupulong ang nasa 40 miyembro ng PCFI.

Ayon kina Talino at Galing ng Pinoy (TGP) Party-list Rep. Jose “Bong” Teves Jr. at Barangay Health Workers Party-list Rep. Angelica Natasha Co, kapwa opisyal ng PCFI, buo ang suporta ng kanilang hanay sa Alyansa slate, na anila’y isang kinakailangan at estratehikong pagpapakita ng pagkakaisa upang matiyak na ang susunod na Senado ay makakatuwang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

“We are backing candidates who share the same legislative priorities, the same aspirations for a more progressive, more stable and more inclusive Philippines,” ayon kay Teves, ang vice president ng PCFI.

“These are individuals with long records of public service, competence in governance and commitment to reform under the Bagong Pilipinas campaign of the President,” banggit ni Co, na siya namang secretary general ng PCFI.

Sa nasabing pagtitipon, hinikayat ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang mga miyembro ng PCFI na suportahan ang 11 pro-administration candidates ni Pangulong Marcos.

“Like the Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) where the good Speaker is the party president, the PCFI also stands united in declaring our full and unwavering support for the 11 senatorial candidates of the Alyansa para sa Bagong Pilipinas of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.,” saad ni Zaldy Co.

Kabilang sa administration slate sina dating DILG Secretary Benhur Abalos, Makati Mayor Abby Binay, Senador Pia Cayetano, Senador Lito Lapid, dating Senador Panfilo Lacson, dating Senador Manny Pacquiao, Senador Bong Revilla, dating Senate President Tito Sotto, Senador Francis Tolentino, dating DSWD Secretary Erwin Tulfo at Las Piñas City Rep. Camille Villar.

Nanawagan din si Speaker Romualdez sa mga miyembro ng PCFI na magbigay ng buong suporta sa 11 kandidatong senador ni Pangulong Marcos.

“So, we are appealing you na straight Alyansa na lang tayo. If we can go straight Alyansa, we will demonstrate the political clout [of the party-list lawmakers],” ayon pa kay Speaker Romualdez. “I’m here to reiterate, uulitin ko na lang ‘yung lambing natin sa party-list to support the [Alyansa] senators.”

“Conservatively speaking, when the Party-list acts together or in unison, we are talking of a conservative 15 million votes that you can command easily,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara de Representantes.

Sinabi ni Teves na bawat kandidato sa administration slate ay nagpakita na ng tuloy-tuloy na suporta sa mga layunin ng administrasyon para sa pambansang kaunlaran, at lahat sila ay itinuturing na may kakayahang itaguyod ang agenda ng reporma sa susunod na Kongreso.

Binanggit niyang ang lakas ng grupo ay nasa pagkakaiba-iba nito at sa kolektibong kahandaang suportahan ang agenda ng Bagong Pilipinas.

“These are not unfamiliar names to us. They are tried and tested public servants who know how to get the job done, especially in the Senate where deliberation and policy depth are critical,” ani Teves.

Nauna nang hinikayat ni Speaker Romualdez ang Lakas-CMD na buuin ang suporta para sa mga kandidato ng administrasyon, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa paglikha ng batas.

Ayon kay Natasha Co, mabilis na tumugon ang koalisyon dahil naniniwala ito sa layunin ng administrasyon at sa pangangailangan ng isang Senado na magsusulong at hindi magiging hadlang sa progreso.

“Ang pagkakaisa sa layunin at direksyon ay mahalaga sa tagumpay ng Bagong Pilipinas,” ani Natasha Co.

“Kailangan natin ng mga senador na makakaagapay sa pamahalaan, hindi ang mga pipigil sa pagbabago,” dagdag pa niya.

“Political dynamics may shift, but our support remains fixed on candidates who continue to walk with us in our pursuit of genuine development and inclusive progress,” wika pa ni Co.

Sa muling pagpapatibay ng suporta ng koalisyon, binigyang-diin ni Zaldy Co ang mahalagang gampanin ng mga party-list sa pagbibigay ng suporta mula sa mga botante, lalo na sa mga grassroots sector.

Sinabi ni Zaldy Co na layunin ng koalisyon na maging aktibo sa pangangampanya para sa mga kandidato ng Alyansa, gamit ang kanilang ugnayan sa mga komunidad na siyang pinagmumulan ng lakas ng party-list system.

“Mula sa barangay hanggang sa mga rehiyon, ipaparating namin sa mga tao kung bakit mahalaga ang mga kandidatong ito sa kinabukasan ng bansa,” ani Zaldy Co.

Binigyang-diin ni Zaldy Co na sa panahon ng global uncertainty at domestic transition, mahalagang mapuno ang Senado ng mga lider na hindi lamang bihasa sa batas, kundi handang tumulong sa pagbangon, pag-unlad at tagumpay ng bansa.

“Strong leadership in the Senate complements strong leadership in Malacañang,” ani Zaldy Co.

“If we want reforms to be felt, we need partners in the upper chamber who will push with us, not pull us back,” dagdag pa niya.