Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
PCO

PCO tutulong upang isulong Open Government Partnership

Chona Yu Jan 8, 2025
115 Views

NAGPASAKLOLO ang Department of Budget and Management (DBM) sa Presidential Communications Office (PCO) at mga pangunahing lokal na media organizations para palakasin ang mga hakbang sa komunikasyon at isulong ang mga prinsipyo ng Open Government Partnership (OGP).

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang hakbang na ito ay bahagi ng paghahanda para sa Asia and the Pacific Regional Meeting (APRM) na inorganisa ng Philippine Open Government Partnership (PH-OGP).

Binigyang-diin ni Pangandaman ang mahalagang papel ng media, na tinawag niyang “co-architects” sa misyon upang mapalawak ang pag-abot ng mga prinsipyo ng open government.

Ang seremonya ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ay naganap sa DBM Central Office, Boncodin Hall, na nagmarka ng isang mahalagang hakbang sa pangako ng administrasyon sa transparency at inclusive governance.

Ang SMC Asia Car Distributors Corp. (SMAC) ay itinalaga bilang opisyal na tagapagbigay ng serbisyo sa transportasyon para sa OGP-APRM, upang matiyak ang maayos na paggalaw ng mga delegado ng APRM.

Ang inaasahang OGP Asia and the Pacific Regional Meeting ay nakatakdang ganapin sa Pebrero 5-7, 2025, sa Grand Ballroom ng Grand Hyatt Hotel.

Ito ang unang malaking regional OGP meeting na gaganapin sa Pilipinas mula pa noong 2017.