Kamara sisilipin kung nakakasunod NGCP sa prangkisa
Dec 23, 2024
Suspek na tulak dumayo, tiklo sa P1M na shabu
Dec 23, 2024
Calendar
Nation
People power’ na panawagan ni Roque di bahagi ng karapatan — Rep. Abante
Peoples Taliba Editor
Aug 26, 2024
67
Views
‘ITINUTURING ni House Committee on Human Rights Chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante na “treasonous” ang panawagan ng spokesman ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Harry Roque na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
“Sa akin, it might also be treasonous eh. Because he’s now calling for people power to topple down the present administration,” ani Abante sa isang panayam sa pamamagitan ng Zoom.
Naniniwala si Abante na hindi na bahagi ng “karapatan” ang panawagan ni Roque.
“Eh hindi naman siguro tama ‘yong ganoon ‘di ba? I mean, it’s one thing to be able to rally against the government, it is another thing to say, let us come together so we could be able to topple down this government,” saad pa nito.
Si Pangulong Marcos ang pinaka-popular na Pangulo ng bansa matapos makakuha ng mahigit 33 milyong boto noong 2022.
Ginawa ni Roque ang panawagan na pabagsakin ng gobyerno matapos itong makulong ng 24 oras matapos na mapatunayan ng quad committee ng Kamara de Representantes na nagsinungaling.
Sinabi nito na hindi makadadalo sa pagdinig noong Agosto 16 sa Bacolor, Pampanga dahil mayroon umano itong pagdinig sa Manila regional trial court. Pero ayon sa inilabas na sertipikasyon ng Manila court ang pagdinig nito ay noong Agosto 15.
Iniuugnay si Roque sa operasyon ng iligal na POGO na pinapaniwalaan na ginagamit sa money laundering ng kita mula sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot.
Kamara sisilipin kung nakakasunod NGCP sa prangkisa
Dec 23, 2024